News and Announcement
MOBILE BLOOD DONATION, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA BAYAN NG LILIW
Aug 30, 2022 - 10:24 AM
MOBILE BLOOD DONATION, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA BAYAN NG LILIW
Bagamat pista ng Bayan ng Nagcarlan, sinikap po ng inyong lingkod bilang PRC Laguna Chapter Board of Director na mapuntahan at mamonitor ang isinagawang Mobile Blood Donation ng Red Cross 143 Liliw Municipal Branch na ginanap sa Brgy. Calumpang Covered Court. Ito po ay bilang pagpapaunlak na rin sa paanyaya ni Branch Chairperson Kon. Lyca Alarva Leyma-Luna at ng kanyang mga kasamahang volunteers at mga lingkod-bayan ng Liliw, Laguna.
Maraming salamat po sa tatlumpung (30) Liliweños na nagkaloob ng kanilang dugo na makakapagdugtong ng buhay ng ibang tao.