News and Announcement
PAGKILALA BILANG BAYANI NG PANDEMYA, ALAY SA MAHAL KONG BAYAN NG NAGCARLAN
Aug 30, 2022 - 10:23 AM
https://www.facebook.com/photo/?fbid=8426455124046455&set=a.653034054721973
PAGKILALA BILANG BAYANI NG PANDEMYA, ALAY SA MAHAL KONG BAYAN NG NAGCARLAN
Tunay na hindi sa pamamagitan lang ng salapi upang ikaw ay makatulong sa iyong kapwa. Kapag sadyang bukal sa puso ang pagtulong, sisikapin mong gumawa ng pamamaraan upang maipaabot at maipadama ang malasakit sa mamamayan lalo sa mga panahong higit ka nilang kailangan.
Hindi po ang pandemyang ito maging ang sinuman ang makapipigil sa atin upang magpatuloy sa buhay at maging inspirasyon at simbolo ka ng katatagan para sa bawat isa.
Maraming salamat po Philippine Red Cross sa pagkilala bilang Bayani ng Pandemya! Ang karangalan na ito ay alay lagi sa ating minamahal na Bayan ng Nagcarlan!
Isang pagsaludo at pagpupugay sa Araw ng mga Bayani